Friday, June 23, 2006

"Smiling face"

One of the reasons why I ditched my mobile phone is because I don't want to be involved in a "nakakairitang pag- uusap" katulad ng ganito...


Guy: Nagbibiro lang ako nu'n...

Girl: Pa'no ko malalaman na nagbibiro ka lang nu'n, eh hindi mo naman nilagyan ng "U" na may umlaut sa dulo...

Guy: "U" na may umlaut?

Girl: Oo, yung "U" na may umlaut? Yung smiling face? At 'wag kang magpalusot na bulok ang model ng telepono mo't wala kang character na gano'n...

Guy: Wala nga...

Girl: Pwede ba...

Guy: Totoo, wala nga...

Girl: Eh 'di sana gumawa ka ng paraan, pwede namang "open parenthesis tapos colon" or "open parenthesis dash colon" kung gusto mong may ilong. (Hihirit yung guy) O,o,o, huwag mong sabihing wala ka pa rin nu'n...

Guy: Meron...

Girl: O, see? Wala akong paki kung jolog ang cellphone mo, ang akin lang sana gumawa ka ng paraan para hindi tayo nauuwi sa mga nakakairitang pag- uusap dahil ang labo mo!

Guy: Ang labo ko?! Tama na, kumakain tayo. (Pabulong) Ako pa'ng malabo...

Girl: Oo ikaw! Hindi ko malaman kung serious ka, galit o nagbibiro! Nasaktan ako nu'ng na- receive ko 'yung text dahil 'kala ko seryoso ka tapos ngayon sasabihin mong nagbibiro ka lang?

Guy: (Raises his voice) Eh sa wala nga ako nung "U" na may umlaut!

Girl: Ah basta, hindi ka gumawa ng paraan!


See what I mean? =p

5 Comments:

At 2:38 AM, Blogger rex said...

hahaha! umlaut pa talaga ha! honestly, di ko alam ibig sabihin nun. dinaan ko na lang sa context.. UMLAUT ba Filipino ng COLON? haha!

sino ba yang lalaking yan? ang corny ng alibi, hehe..m

 
At 8:50 AM, Blogger shadowlane said...

honga, ano yung umlaut?

labo, mhen! hehehe.

 
At 12:41 PM, Blogger Jigs said...

Shet! Ang simpleng bagay pinagawayan! Gudlack sa future nila!

 
At 9:50 PM, Anonymous inday said...

oh my!!!! kandi that's such a very silly to making an argue about noh...what is the kinds of the cellphones was her used? the bigger ones that is look like cordless phones? what a heck....that must be a funny things to see if he is use that. take care!

p.s. yes yes iloving the hed kandi and defected and the house of om so much and i am have all their stuff for make a collections. ;)

 
At 11:53 PM, Anonymous teepsee said...

rex and reych (uy, bagay! hahaha! just kidding) : umlaut - A change in a vowel sound caused by partial assimilation especially to a vowel or semivowel occurring in the following syllable.

from dictionary.com. hahaha!

jigs, would you believe na totoo yan? :D

inday: hahaha! i think ung phone nung guy ay smart annoying phone. hehehe ;p

nga pala, check out the new beach house cd. you'll love it!

 

Post a Comment

<< Home